Linggo, Hunyo 28, 2015

Mga teoryang Pampanitikan













1.Teoryang Klasismo/Klasisismo
v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
2.Teoryang Humanismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
3.Teoryang Imahismo
v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
4.Teoryang Realismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
5.Teoryang Feminismo
v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
6.Teoryang Arkitaypal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
7.Teoryang Formalismo/Formalistiko
v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
8.Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
9.Teoryang Eksistensyalismo
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
10.Teoryang Romantisismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
11.Teoryang Markismo/Marxismo
v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
12.Teoryang Moralistiko
v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
13.Teoryang Bayograpikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
14.Teoryang Queer
v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer.
15.Teoryang Historikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
16.Teoryang Kultural
v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
17.Teoryang Sosyolohikal
v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

18.Teoryang Feminismo-Markismo
v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

19.Teoryang Dekonstruksyon
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Bakit nga ba may torpe na tao?




          Bakit nga ba may torpe na tao? Mahirap bang sabihin ang nararamdaman ng isang tao sa taong mahal nito? Mahirap bang sabihin ang “Alam mo ________ gusto kita” Oo sa text madali o sa chat pero pag ba personal kaya bang ilabas ang mga katagang ito sa ating bibig? Kaya ba nating sabihin ang mga salita nyan sa mismong mahal natin? Pag ba nasabi na natin yan kaya ba nating panagutan ang lahat ng sinabi natin sa mahal natin. O baka naman nanginginig ang ating bibig at tuhod at tila hanggang tingin na lamang tayo.

         BABALA: Ang matamaan wag magalit ^_____^ These are just few reasons bakit may natotorpe na tao


          1.      Suntok sa Buwan
          Bakit may mga torpe na tao? Simple, kasi suntok sa buwan ang babaeng gusto nila. Sobrang taas kasi ng level ng girl kaya naman hindi kayang sabihin ang nararamdaman. Parang nakakadiscourage na parang SOBRANG LABO. Parang mata ko SOBRANG LABO Kasi siya talented, kasi siya sobrang talino, kasi siya sobrang ganda, eh ano naman ang makikita nya sakin?  Feeling ng mga tao na to na parang dahil sobrang mataas sya, tanging hahanapin lang nito yung kalevel nito. Parang  syang buwan na hirap suntukin HAHAHA Joke. Parang syang buwan at bituin na hirap abutin at hanggang tingin ka nalang


    2.      Walang Experience
Anong magagawa mo eh WALA NGANG EXPERIENCE, Lahat ng lalaki dumaan dito. Hindi naman kapanganak alam na manligaw. Syempre natuto nalang yung iba dahil sa mga turo, nakikita sa TV. Natural lang yan, eto yung unang beses nila naramdaman ung puso nila. Hindi alam ang gagawin, eh anong ngang gagawin eh hindi pa nga alam. No explanations are necessary :)


3.      Laging inaasar

Ang mga torpe nahihirapan din yan sa kakaasar ng mga barkada. Lalo na pag nalaman nila kung sino ang crush nya? Ay nako, humanda ka sa pangangantyaw. Ang mga manliligaw ksi as much as possible gusto nila kumportable sila sa pag gawa ng “The moves” nila. Lalo na yung mga nagbubuo pa lang ng bond at friendship sa taong gusto nila. Nakakaconscious na gumawa ng move lalo na kapag binubulgar agad ng mga kaibigan nito sa pamamagitan ng pangangasar. Hanggat maari ksi ayaw paalam nung guy na gusto niya sa girl hanggat hindi pa sila close nito. So parang nagkakaclue na yung girl na may intention ang guy so parang nakakailang na. In short, nasisira ang ego, nasisira din ang diskarte
                

    4.      Natatakot Mareject
Bakit may Torpe na tao? Simple ang sagot. NATATAKOT MAREJECT. Ang sakit kaya mareject no. No explanation needed for this sguro. Kumbaga, parang mabuti nalang itago ko nalang to kesa malaman pa nya at bka mareject lang ako. Parang “I love you” “K” or “Salamat” Hahah gets mo ba?


    5.      Feeler lang yung Girl
Feeler lang yung girl, hindi naman talaga sya gusto hahaha. Madaming nagkakamali dito, akala nila torpe pero wala naman talaga intention manligaw yung lalaki. Kaya isipin mo kung torpe ba talaga sya or sadyang feeler ka lang XD



     6. Hindi pa masyadong kilala, Walang bonding
Mahirap gumalaw lalo na sobra kang nagmamadali. Mas maganda yung tipong close na kayo and madami kanang alam about sa kanya atleast alam mo na gagawin mo. Mahirap sa gantong situation. Sobrang Awkward nito. Yung tipong kasama mo sya tas clueless ka ano na gagawin mo etc.


    7.      Nacoconscious sa sarili
Eto yung taong madaming insecurities sa iba. Na parang ang sobrang pangit nya, ang sobrang baduy nya. Lalo na pag nandyan na yung gusto nya. Sila yung tipong nakatakip ng panyo at umeescape lagi pag padating na si crush. Sila yung mga tao tingin ng tingin sa salamin at sandamukal na powder yung nilalagay XD. Basta nacoconscious. Madalas tong encounter nato pag haggard ka tapos nakita ka ni crush.


       8. Secretive sa Parents, or Strict.
Nahihiyang sabihin sa family kasi ayaw ng family mag ka girlfriend yung anak nila. Hindi lang naman kasi sa babae yung pinagbabawalan, may instances din sa lalaki.  Kaya lagi nalang tinatago at parang naglalaban sa isip nya na itutuloy ba or susundin yung parents.Walang torpe na tao sa family na open.
Malay mo sila pag magturo ng da moves mo dba? Dahil nahihiya silang magconsult, wala. O bka naman inaasar at nadidiscourage


   9. Ikaw ano ka?
Last na to. Madami pang reason pero sinamarrize ko na dito. Ikaw, ievaluate mo ang sarili mo. Anong meron sayo bakit sobra kang kinakabahan o natotorpe ka. Masyado ka bang nag ooverthink na wala kang chance, sobra ka bang natatakot nab aka paasahin ka lang. Lagi kaba pinangungunahan ng kaba. Kanya kanyang dealings yan bro.
Yung mga tao torpe masarap silang mag mahal. Sa simula lang naman mahirap yan eh. Once you get there, yun na. Feeling ko mas naappreciate ng mga girls yung mga tao tinatry yung best nila iexpress yung sarili nila by small works or if magaling yung girl? Makikita nila yung effort mo na kahit sobrang urong yung dila ng tao na may gusto sa kanila tinatry padin nila.  Kesa naman sa Mr. The moves na sobrang galling dumiskarte pero paiba iba naman yung ginamitan ng moves nya dba and sobrang dami na nafall dun. Atleast ikaw sobrang maappreciate mo kasi pinaghirapan mo yun.  Just be yourself and tanggalin mo yung mindset na manliligaw ka. Wag mo muna haluan ng feelings yung ginagawa mo para makaestablish ka ng rapport. Express mo lang yung sarili mo, kung sinabi mo then fine.  Nasa kanila nalang yung if ieentertain ka nila. Hindi naman kase ibig sabihin na sinabi mo, may chance agad. Mas magandang sabihin mo na para mawala yung nasa dibdib mo. Pero if yan ang magiging dahilan ng paglayo niya ang pagkakaroon ng awkward moments  nyo, wag mo muna sabihin. May Right time dyan. Establish ka muna ng relationship as friends. Then tignan mo. It takes time eh. Kung may gusto syang iba, wag kana masyadong magpakaaksaya ng panahon. Pero malay mo, if two people are meant together, It will. Malay mo yung taong gusto nila ngayon is instrument lang and eventually maghihiwalay din sila then malay mo kayo pala.  Wag ka padiscourage. Mindset lang yan. “Magbbreak din sila ! “ :P
Hindi lahat ng gusto mo nililigawan. Tska wag ka madown ng sobra sa sarili mo, hindi ka torpe, Walang taong torpe, pag kapanganak ba torpe na? Natotorpe meron. Isipin mo nalang na  You’re waiting for the right time na sabihin lahat ng nararamdaman mo. ;)
Mindset bro :) MINDSET
Girls, Masarap mag mahal yung torpe, sila yung tipong loyal and sincere.  Isipin mo. Pag naging kayo, hindi mangangaliwa yan. kasi torpe nga eh :P  HAHAHAHA gets mo ba ?
XD


I love you Kimberly Mulato Alcano. The end.

Martes, Nobyembre 4, 2014

bakit kailangan nating matulog?



       Naranasan n’yo na bang matambakan ng mga gawain na hindi kayang tapusin sa loob ng isang araw kaya nilalabanan n’yo ang antok? Bakit nga ba tayo dinadalaw ng antok araw-araw? Kung hindi na kailangang matulog ang tao, di ba mas maganda sana yun para mas madami tayong magawa sa loob ng isang araw? Bakit ba kailangan nating matulog araw-araw? Ito ang mga katanungan na nais nating bigyan ng kaliwanagan sa artikulong ito.




           Ang pagtulog ng tao at ng karamihan ng mga hayop ay sumusunod sa paglubog at pagsikat ng araw.  Ang pagtulog ay kadalasang ginagawa sa gabi at may ilang teorya kung bakit sa gabi tayo natutulog. Noong sinaunang mga panahon, bentahe ang pagtulog daw sa gabi tuwing kailangang umiwas ang ating mga ninuno sa mababangis na hayop. Yung mga natutulog sa araw ay unti-unting mauubos dahil makakain ng mgapredator. Mas madali ring maghanap ng pagkain sa araw kaya bentahe rin kung ipreserba na lang ang lakas sa gabi sa pamamagitan ng pagtulog.

            May maraming klase ng tulog base sa haba at lalim nito at kung anong oras ito nangyayari. Ang pinakamahabang tulog ay kadalasang nangyayari sa gabi para sa karamihan ng tao. May mga maiikli namang tulog na tinatawag na “nap” o idlip. Nitong nakaraang ilang taon, may isa pang uri ng tulog na natuklasan. Ito’y tinatawag na “microsleep” na mga ilang segundo lang ang haba, at ito ay kadalasang nangyayari sa mga sobrang puyat o pagod o sa mga taong may kakaibang sakit na narcolepsy.

           Nagbabago ang mga uri ng tulog ayon sa edad. Mas mahaba ang tulog ng mga sanggol kung susumahin sa loob ng isang araw kaysa sa  tulog ng mas nakakatanda. Ngunit ilang beses itong napuputol sa loob ng isang araw. Alam ito ng mga nanay na kailangang gumising sa kalagitnaan ng gabi para padedehin ang mga batang nagigising. Habang tumatanda, nagiging mas buo ang pagtulog at mas maikli ang kabuuang tulog sa loob ng isang araw. Kadalasan ding nahahati sa dalawang episodes ang pagtulog sa loob ng isang araw: mahabang tulog sa gabi at maikling tulog o siyesta sa hapon.
       
           Maliban sa haba ng tulog, nagbabago pati ang oras ng pagtulog o chronotype ayon sa edad. Ang mga bata’y maaga natutulog sa gabi at nagiging mas late ang pagtulog habang nagbibinata o nagdadalaga hanggang sa mga edad na 21 kung kailan dumadating ang rurok ng oras ng pagtutulog at mula dito ay nagiging mas maaga naman ang oras ng pagtulog habang tumatanda. Kaya naman karamihan ng mga lolo at lola natin’y maaga natutulog at sobrang aga ring nagigising dahil mas maikli ang tulog nila. Napag-alaman din ng mga siyentipiko sa pagtulog na ang haba at oras ng pagtulog sa gabi ay may pagkakaiba din sa iba’t ibang indibidwal at may genetic na dahilan ang pagkakaiba na ito.

            Hindi pa rin ganoon kalinaw ang benepisyo ng tulog sa ating pangangatawan, bagama’t may pag-unawa sa positibong dulot nito sa kalusugan ng tao ayon na rin sa karanasan ng tao. Halimbawa, ang mga taong laging nagpupuyat ay mas madaling magkasakit. Indikasyon ito na may kinalaman ang tulog sa pagpapatibay ng ating immune systems. Mapapansin din ito sa mga taong may lagnat: antukin sila at mas mahaba ang tulog nila. Matagal na itong alam ng mga magulang natin ngunit kamakailan lang talaga nagkaroon ng mas masusing pag-aaral ng mga siyentista.


           Ang pagkasira ng natural na skedyul ng pagtulog ay may naidudulot na pinsala sa kalusugan ng isang tao. Mapapansin ito sa mga taong night shift ang trabaho tulad ng mga panggabi sa pabrika, call center workersnurses at iba pang hospital workers, flight attendants, at iba pang naghahanapbuhay sa gabi o madalas bumyahe ng malalayong time zones. Mas mataas ang tsansa na magkaroon ng breast cancer ang mga kababaihang nasa ganitong uri ng hanapbuhay. Mataas din ang incidence ng diabetes at obesity sa mga taong laging kulang sa tulog, bagama’t maraming pag-aaral pa ang kailangan sa larangang ito para matukoy ang kaugnayan ng nasabing sakit at pagtulog.

            Marami-rami na rin tayong nauunawaan tungkol sa tulog dala na rin ng pag-unlad ng agham at teknolohiya kasabay ng pag-unlad ng lipunan. Pero marami pa ring tanong tungkol dito ang naghihintay ng siyentipikong kasagutan. Sa ngayon, ang payo ng mga eksperto sa pagtulog ay gawin itong prayoridad ang pagtulog sa araw-araw na gawain: ilagay sa planner kung anong oras matutulog.

Mga teoryang Pampanitikan

1.Teoryang Klasismo/Klasisismo v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng es...