Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Bakit nga ba may torpe na tao?




          Bakit nga ba may torpe na tao? Mahirap bang sabihin ang nararamdaman ng isang tao sa taong mahal nito? Mahirap bang sabihin ang “Alam mo ________ gusto kita” Oo sa text madali o sa chat pero pag ba personal kaya bang ilabas ang mga katagang ito sa ating bibig? Kaya ba nating sabihin ang mga salita nyan sa mismong mahal natin? Pag ba nasabi na natin yan kaya ba nating panagutan ang lahat ng sinabi natin sa mahal natin. O baka naman nanginginig ang ating bibig at tuhod at tila hanggang tingin na lamang tayo.

         BABALA: Ang matamaan wag magalit ^_____^ These are just few reasons bakit may natotorpe na tao


          1.      Suntok sa Buwan
          Bakit may mga torpe na tao? Simple, kasi suntok sa buwan ang babaeng gusto nila. Sobrang taas kasi ng level ng girl kaya naman hindi kayang sabihin ang nararamdaman. Parang nakakadiscourage na parang SOBRANG LABO. Parang mata ko SOBRANG LABO Kasi siya talented, kasi siya sobrang talino, kasi siya sobrang ganda, eh ano naman ang makikita nya sakin?  Feeling ng mga tao na to na parang dahil sobrang mataas sya, tanging hahanapin lang nito yung kalevel nito. Parang  syang buwan na hirap suntukin HAHAHA Joke. Parang syang buwan at bituin na hirap abutin at hanggang tingin ka nalang


    2.      Walang Experience
Anong magagawa mo eh WALA NGANG EXPERIENCE, Lahat ng lalaki dumaan dito. Hindi naman kapanganak alam na manligaw. Syempre natuto nalang yung iba dahil sa mga turo, nakikita sa TV. Natural lang yan, eto yung unang beses nila naramdaman ung puso nila. Hindi alam ang gagawin, eh anong ngang gagawin eh hindi pa nga alam. No explanations are necessary :)


3.      Laging inaasar

Ang mga torpe nahihirapan din yan sa kakaasar ng mga barkada. Lalo na pag nalaman nila kung sino ang crush nya? Ay nako, humanda ka sa pangangantyaw. Ang mga manliligaw ksi as much as possible gusto nila kumportable sila sa pag gawa ng “The moves” nila. Lalo na yung mga nagbubuo pa lang ng bond at friendship sa taong gusto nila. Nakakaconscious na gumawa ng move lalo na kapag binubulgar agad ng mga kaibigan nito sa pamamagitan ng pangangasar. Hanggat maari ksi ayaw paalam nung guy na gusto niya sa girl hanggat hindi pa sila close nito. So parang nagkakaclue na yung girl na may intention ang guy so parang nakakailang na. In short, nasisira ang ego, nasisira din ang diskarte
                

    4.      Natatakot Mareject
Bakit may Torpe na tao? Simple ang sagot. NATATAKOT MAREJECT. Ang sakit kaya mareject no. No explanation needed for this sguro. Kumbaga, parang mabuti nalang itago ko nalang to kesa malaman pa nya at bka mareject lang ako. Parang “I love you” “K” or “Salamat” Hahah gets mo ba?


    5.      Feeler lang yung Girl
Feeler lang yung girl, hindi naman talaga sya gusto hahaha. Madaming nagkakamali dito, akala nila torpe pero wala naman talaga intention manligaw yung lalaki. Kaya isipin mo kung torpe ba talaga sya or sadyang feeler ka lang XD



     6. Hindi pa masyadong kilala, Walang bonding
Mahirap gumalaw lalo na sobra kang nagmamadali. Mas maganda yung tipong close na kayo and madami kanang alam about sa kanya atleast alam mo na gagawin mo. Mahirap sa gantong situation. Sobrang Awkward nito. Yung tipong kasama mo sya tas clueless ka ano na gagawin mo etc.


    7.      Nacoconscious sa sarili
Eto yung taong madaming insecurities sa iba. Na parang ang sobrang pangit nya, ang sobrang baduy nya. Lalo na pag nandyan na yung gusto nya. Sila yung tipong nakatakip ng panyo at umeescape lagi pag padating na si crush. Sila yung mga tao tingin ng tingin sa salamin at sandamukal na powder yung nilalagay XD. Basta nacoconscious. Madalas tong encounter nato pag haggard ka tapos nakita ka ni crush.


       8. Secretive sa Parents, or Strict.
Nahihiyang sabihin sa family kasi ayaw ng family mag ka girlfriend yung anak nila. Hindi lang naman kasi sa babae yung pinagbabawalan, may instances din sa lalaki.  Kaya lagi nalang tinatago at parang naglalaban sa isip nya na itutuloy ba or susundin yung parents.Walang torpe na tao sa family na open.
Malay mo sila pag magturo ng da moves mo dba? Dahil nahihiya silang magconsult, wala. O bka naman inaasar at nadidiscourage


   9. Ikaw ano ka?
Last na to. Madami pang reason pero sinamarrize ko na dito. Ikaw, ievaluate mo ang sarili mo. Anong meron sayo bakit sobra kang kinakabahan o natotorpe ka. Masyado ka bang nag ooverthink na wala kang chance, sobra ka bang natatakot nab aka paasahin ka lang. Lagi kaba pinangungunahan ng kaba. Kanya kanyang dealings yan bro.
Yung mga tao torpe masarap silang mag mahal. Sa simula lang naman mahirap yan eh. Once you get there, yun na. Feeling ko mas naappreciate ng mga girls yung mga tao tinatry yung best nila iexpress yung sarili nila by small works or if magaling yung girl? Makikita nila yung effort mo na kahit sobrang urong yung dila ng tao na may gusto sa kanila tinatry padin nila.  Kesa naman sa Mr. The moves na sobrang galling dumiskarte pero paiba iba naman yung ginamitan ng moves nya dba and sobrang dami na nafall dun. Atleast ikaw sobrang maappreciate mo kasi pinaghirapan mo yun.  Just be yourself and tanggalin mo yung mindset na manliligaw ka. Wag mo muna haluan ng feelings yung ginagawa mo para makaestablish ka ng rapport. Express mo lang yung sarili mo, kung sinabi mo then fine.  Nasa kanila nalang yung if ieentertain ka nila. Hindi naman kase ibig sabihin na sinabi mo, may chance agad. Mas magandang sabihin mo na para mawala yung nasa dibdib mo. Pero if yan ang magiging dahilan ng paglayo niya ang pagkakaroon ng awkward moments  nyo, wag mo muna sabihin. May Right time dyan. Establish ka muna ng relationship as friends. Then tignan mo. It takes time eh. Kung may gusto syang iba, wag kana masyadong magpakaaksaya ng panahon. Pero malay mo, if two people are meant together, It will. Malay mo yung taong gusto nila ngayon is instrument lang and eventually maghihiwalay din sila then malay mo kayo pala.  Wag ka padiscourage. Mindset lang yan. “Magbbreak din sila ! “ :P
Hindi lahat ng gusto mo nililigawan. Tska wag ka madown ng sobra sa sarili mo, hindi ka torpe, Walang taong torpe, pag kapanganak ba torpe na? Natotorpe meron. Isipin mo nalang na  You’re waiting for the right time na sabihin lahat ng nararamdaman mo. ;)
Mindset bro :) MINDSET
Girls, Masarap mag mahal yung torpe, sila yung tipong loyal and sincere.  Isipin mo. Pag naging kayo, hindi mangangaliwa yan. kasi torpe nga eh :P  HAHAHAHA gets mo ba ?
XD


I love you Kimberly Mulato Alcano. The end.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Mga teoryang Pampanitikan

1.Teoryang Klasismo/Klasisismo v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng es...